
Bibida si Kapuso actress Mikee Quintos sa isang quirky love story sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "I Shoes You," gaganap si Mikee dito bilang ang shoe designer na si Ella.
Hindi pa kailanman nagkaroon ng boyfriend si Ella at nangangarap siyang makakilala ng perpektong lalaki na magpapasaya sa kanya.
Dahil mataas ang standards ni Ella pagdating sa dream guy niya, hindi makapagtapat sa kanya ang kababata niyang si Prince, played by Carlo San Juan.
Nagtatrabaho si Prince bilang shoemaker sa factory na pagmamay-ari ni Ella kaya natotorpe ito at kulang sa confidence.
Samantala, makikilala si Ella ang guwapo at business savvy na si King--karakter ni Bruce Roeland--at interesado itong maging business partner niya and more.
Sino kina Prince at King ang dapat piliin ni Ella?
Abangan ang brand new episode na "I Shoes You," July 23, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: