
Aminado si Mikee Quintos na challenging pero fulfilling ang guest appearance niya sa legal drama series na Lilet Matias: Attorney-at-Law. Ngunit pag-amin niya, hindi siya sigurado kung gusto niya pang ulitin ito lalo na sa buong teleserye.
Sa interview ng GMANetwork.com, inamin ni Mikee dream role niya ang karakter niya sa sa legal drama series na si Langgay, na meron autism spectrum disorder. Aniya, sobrang research ang kinailangan niyang gawin para sa role na ito.
“So much research like, research as in aral talaga. Exploring my instrument, myself, how I'm gonna deliver that, 'cause the last time I wanna do is offend people out there who have loved one with special needs or 'yung mga mismong taong merong special needs,” sabi niya.
Pag-amin pa ng aktres ay sobrang na-pressure siya sa kaniyang pagganap dahil ayaw niyang maging offensive ang kaniyang pag-arte sa mga manonood, lalo na sa mga may autism, o sa kanilang pamilya.
Paliwanag niya, “'Pag naging offensive 'yung acting ko na parang fake 'yung acting ko, na umaarte ako na autistic ako, 'yun na 'yung mafo-focus ng tao, hindi na 'yung story. Magiging distraction siya instead of being helping tell the story.”
“I truly believe kasi na as an actor, our job is to tell stories the best way that we can through our characters and it would be such a failure if maging ganu'n nga. So 'yun 'yung pinaka natakot akong gawin,” pagpapatuloy ng aktres.
BALIKAN ANG IBA'T IBANG KARAKTER NA GINAMPANAN NI MIKEE SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin naman siya kung gusto pa ba niya ulitin ang ganung klaseng role, ang sagot ni Mikee, “Di ko alam kung game akong gawin siyang pang buong teleserye.”
“Like lucky ako na guest 'yun, guesting siya, so like a whole week of skit, but 'yung pang buong teleserye, nabilib ako lalo kay Ken Chan doing that 'cause 'yung ginawa niya sa My Special Tatay,” sabi niya.
Sinabi rin ni Mikee na nakakapagod magpapalit-palit ng emosyon mula sa pagiging relaxed, papunta sa pag-iyak, 'tapos ay tatawa nang natural ang flow. Kuwento pa niya, ito ang karakter at taping na tuwing matatapos ang dalawang eksena ay umiidlip siya dahil sa sobrang pagod.
Panoorin ang isa sa mga eksena ni Mikee sa Lilet Matias: Attorney-at-Law: