GMA Logo Mikee Quintos
Celebrity Life

Mikee Quintos, gustong pumunta ng Korea pagkatapos ng quarantine

By Marah Ruiz
Published June 5, 2020 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Isa daw ang pagbisita sa South Korea sa mga bagay na nais gawin ni Mikee Quintos pagkatapos ng quarantine.

Tulad ng nakararami, looking forward din si Kapuso actress Mikee Quintos sa pagtatapos ng mga lockdowns na dulot ng COVID-19.

Isa daw sa mga bagay na nais niyang gawin ang mag-travel patungong ibang bansa.

"Alam kong hindi agad agad ang travel. Baka next year pa nga ata feeling ko babalik ang traveling. Pero sobrang gusto kong mag-Korea lately, siguro kakanood ko ng mga K-drama," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bukod dito, nais din daw niyang ibalik ang ilang "simple pleasures" tulad ng paglabas para mag-kape.

"(I want to) drink quality coffee in a cafe in some corner and stay quiet. Kahit mag-isa lang ako, I want to chill in a different place, get a different scenery," aniya.

Alamin ang iba pang mga bagay na plano niyang gawin pagkatapos ng quarantine dito:



Sumabak kamakailan si Mikee sa E-date Mo si Idol, isang online dating game show mula sa GMA Artist Center.