
Mas lalong lumaki ang respeto ng Kapuso actress-singer na si Mikee Quintos sa production staff nang gawin niya ang GMA Telebahay video special na Salamat, 'Nay.
GMA Network's first #GMATeleBahay is a sincere tribute for all the moms
Challenging para sa mga aktor na nakasama ni Mikee sa project na sina Gilleth Sandico, Mikoy Morales, Neil Ryan Sese, at Raphael Landicho ang do-it-yourself shoot sa kanilang mga sariling tahanan para magawa lang ang mga eksena.
Ikinuwento ni Mikee exclusively sa 24 Oras ang karanasan niya habang ginagawa ang GMA Telabahay.
Wika niya, "The whole time nandiyan lang sila direk, pinapanood, sinasabi niya 'pag mas maganda pa na background.
"Masaya siya, naintindihan ko 'yung bigat ng [trabaho nila]. Mas na-appreciate ko ngayon 'yung hirap ng trabaho ng bawat isa sa taping day talaga."
Masaya din daw makita ang unity ng lahat para magawa ang naturang proyekto at makapagbigay ng bagong content ngayon may COVID-19 pandemic.
Aniya, "Nakakatuwa na makita na everyone is like willing to work together and try new things kung ano'ng puwede, ano'ng gagana, ano'ng puwedeng adjustment na gagawin natin during this COVID.
"May magawa pa rin tayong bagong content."