
Masayang ipinasilip ni Mikee Quintos sa netizens ang naipatayo nilang bahay sa pamamagitan ng kanyang latest vlog.
Ayon kay Mikee, ancestral house nila ito na kalaunan ay napagkasunduang ipaayos at mas pagandahin.
Sinimulan ni Mikee ang kanyang video sa labas ng kanilang bahay at unti-unting ipinakita ang bawat sulok ng loob nito.
Makikita sa unang palapag ang kanilang parking area at mini kitchen.
Sa paglilibot ni Mikee sa first floor, ibinida rin niya ang mga naggagandahang mga motor na koleksyon ng kanyang ama.
Bukod sa pa-house tour, ipinasilip din ni Mikee ang office ng kanyang daddy na matatagpuan din sa unang palapag ng kanilang bahay.
Pag-akyat naman sa second floor, matatagpuan ang common area nilang magkakapatid.
Makikita rito ang opisina ng kanyang panganay na kapatid ni Mikee na isang abogado, at ang office ng kanyang kapatid na isa namang fashion designer.
Bukod sa mga ito, nasa second floor din ang minimalist at modern-style studio ni Mikee.
Ibinida ng Kapuso star ang kanyang working area na may iba't ibang kulay at style ng mga ilaw, drawers, computer, shelves at iba pa.
Sa pinakamataas na palapag ng kanilang bahay, matatagpuan naman ang kanilang pantry at laundry area.
Matatagpuan din dito ang napakalaking kwarto ng kanyang buong pamilya.
Ipinakita rin ni Mikee ang kanilang terrace at ang isang bahagi ng huling palapag na plano nilang gawing mini gym o workout area.
Courtesy: Mikee Quintos (Youtube)
Kasalukuyang napapanood si Mikee Quintos bilang batang version ng karakter ni Elsa sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Samantala, tingnan ang stunning bikini photos ni Mikee sa gallery na ito: