GMA Logo Mikee Quintos
Photo source: @themissmanila
What's Hot

Mikee Quintos, isa sa mga host ng Miss Manila pageant

By Ron Lim
Published June 26, 2026 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXPLAINER: Why did the ICC judges sue US President Donald Trump and his administration?
One Western Visayas: June 26, 2026 | Livestream
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Kasama ni Mikee Quintos ang kapwa Sparkle artist na si Ahtisa Manalo sa pag-host ng Miss Manila pageant.

Maswerteng araw ngayon para sa mga beauty pageant aficionados na fans din ni Sparkle artist Mikee Quintos dahil mapapanood siya ngayong gabi sa Miss Manila coronation night.

Ayon sa opisyal na Instagram account ng Miss Manila pageant, si Mikee ay isa sa mga host ng Miss Manila coronation night na gaganapin ngayong gabi, 7 p.m., sa The Metropolitan Theater.

A post shared by Miss Manila (@themissmanila)

Makakasama rin ni Mikee ang kapwa Sparkle artist na si Ahtisa Manalo sa coronation night. Host din ang dating beauty queen sa Miss Manila coronation night.

A post shared by Miss Manila (@themissmanila)

Ang pagho-host sa Miss Manila pageant ang isa sa bagong activity ni Mikee ngayong tapos na ang panahon niya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan gumanap siya bilang si Lira, ang anak ni Amihan.

RELATED GALLERY: Mikee Quintos drops behind-the-scenes photos from Sang'gre set

Nakasama rin ni Mikee sa Encantadia Chronicles: Sang'gre si Ahtisa, na gumanap bilang Bathalumang Haliya. Kamakailan lamang ay pumasok sa showbiz si Ahtisa at pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center at naging guest sa Fast Talk with Boy Abunda.

Isa pa sa magiging parte ng Miss Manila pageant ay ang kasalukuyang Miss Universe Philippines Bea Millan-Windorski, bilang isa sa mga hurado. Kamakailan lamang ay nakasama ni Bea si Manila Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa pag-celebrate ng Philippines Arbor Day 2026 celebrations kung saan nakibahagi si Bea sa isang tree-planting activity. Naroon din si Department of Environment and Natural Resources Secretary Atty. Juan Miguel T. Cuna at Manila Vice Mayor Angela Lei “Chi” Atienza.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Bago maging parte ng Miss Manila judging panel ay bumisita rin si Bea sa Katutubo Village Elementary School sa Porac, Pampanga bilang bahagi ng isang dental mission para sa Aeta community.

Kasama ni Bea ang mga appointed winners ng The Miss Philippines.

RELATED GALLERY: Here are the winners of The Miss Philippines 2026