GMA Logo mikee quintos
Photo by: mqquintos TikTok
Celebrity Life

Mikee Quintos, kinaaliwan sa kanyang 'lutang moment' pagkatapos ng colonoscopy

By Kristine Kang
Published July 11, 2025 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Two people killed in Brown University shooting —mayor
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

mikee quintos


Panoorin ang nakatatawang video na ibinahagi ni Mikee Quintos dito:

Tuwa at aliw ang hatid ng bagong TikTok video Mikee Quintos, kung saan makikita siyang sobrang lutang matapos sumailalim sa colonoscopy. Ito ay isang routine medical procedure para sa i-examine ang kanyang large intestine.

Sa video, makikitang bagong gising pa lang ang Sparkle star habang inaasikaso ng kanyang ina. Dahil sa epekto ng gamot, tila “lutang” pa si Mikee habang walang preno sa pagbabahagi ng kung anu-anong kuwento. Umabot pa nga ang kanyang kwento sa pag-amin na may crush daw siya!

"mom's pov: waking me up after colonoscopy," caption ng aktres.

Kaagad kinaaliwan ng netizens ang clip na umabot na sa mahigit 4.4 million views. Marami ang natawa at naintriga sa rebelasyon ng aktres tungkol sa kanyang "crush", habang ang iba nama'y nagpahayag ng pag-aalala tungkol sa kanyang kalagayan.

Sa comments section, siniguro naman ni Mikee na maayos ang lahat. "Im okay po!! Doctor just wanted to make sure "

@mqquintos

mom's pov: waking me up after colonoscopy

♬ original sound - Mikee

Kamakailan, bumalik si Mikee bilang Sang'gre Lira sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Napanood din ang aktres sa GMA Prime mystery series na SLAY, kasama sina Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, Julie Anne San Jose, at Derrick Monasterio.

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa GMA Network official Facebook account, YouTube, at GMANetwork.com.

Maaring balikan din ang mga eksena sa SLAY sa GMANetwork.com.

Tingnan ang stunning photos ni Mikee Quintos sa gallery na ito: