
Si Kapuso actress Mikee Quintos ang bibida sa isang episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents ngayong Linggo.
Pinamagatang "Litsunera," kuwento ito ng isang fashionista na hindi inaasahang magmamana ng litsunan ng kanyang mga magulang.
Gaganap si Mikee bilang Say na walang kaalam-alam tungkol sa pagpapatakbo ng lechon business.
Susubukan siyang turuan ni Mang Ruben, beteranong litsunero na matagal nang nagtatrabaho para sa kanyang mga magulang, pero mas interesado si Say na pasikatin ang litsunan sa social media.
Magagawa bang ipagpatuloy ni Say ang lechon business ng kanyang mga magulang? O dapat ba itong mapunta sa kanyang tiyahin na interesadong bilhin ang litsunan?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang "Litsunera," December 28, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.