GMA Logo mikee quintos
Source: mikee (IG)
What's Hot

Mikee Quintos, muntik mabuko ang surprise 'proposal' ni Paul Salas

By Marah Ruiz
Published July 24, 2022 6:14 PM PHT
Updated July 25, 2022 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

mikee quintos


Sa isang surprise "proposal," inaya ni Paul Salas na maging date si Mikee Quintos sa upcoming GMA Thanksgiving Gala.

Isang taon na palang dating ang Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Paul Salas.

Ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary sa pamamagitan pagbabakasyon sa Boracay.

Sa gitna ng isang romantic dinner, may inihandang sorpresa si Paul para kay Mikee. Kasabay ng pagbibigay niya ng bouquet, inaya ni Paul si Mikee na maging date niya sa GMA Thanksgiving Gala na gaganapin ngayong July 30.

Pero ayon kay Mikee, muntik na daw niyang mabuko ang sorpresa ni Paul dahil sa kakaibang ikinikilos nito.

"Sabi ko, 'Oh, saan ka pupunta?' Sabi niya [sa] banyo daw, e, doon pupunta sa other side. Sabi ko, 'Ito 'yung banyo, o.' Wala siyang masagot. Medyo doon nahalata ko siya na may pasabog pa siya," kuwento ni Mikee.

Pero pinahanga pa rin siya ng boyfriend dahil nagawan pa rin nito ng paraan na sorpresahin siya.

"Biglang next thing I know, naghanap siya ng way para ma-surprise pa rin ako," bahagi ng aktres.

Isa pang Kapuso couple and excited na rin na dumalo sa GMA Thanksgiving Gala.

Source: jhake (IG)

Looking forward daw dito sina Jake Vargas at Inah de Belen dahil ito ang pagkakataon nilang makasama ang mga kaibigan na matagal din nilang hindi nakita sa personal.

"It's coming together, all of us, in one room. GMA rarely does that na talagang malaking event. Enjoy lang," pahayag ni Inah.

"May mga friends pa ng matagal mong hindi nakita so magkikita kita kayo ngayon. Sobrang excited," dagdag naman ni Jake.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video na ito:

TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NINA MIKEE AT PAUL SA GALLERY NA ITO: