
Isa sa mga sweetest couple ngayon sa showbiz ay ang Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Paul Salas. Ngunit lingid sa marami, takot pala ang aktres na mahulog ang loob sa aktor.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, kinuwento ni Mikee na nung una silang magkakilala ni Paul sa set ng The Lost Recipe ay two years na siyang single.
“Nahirapan akong hanapin 'yung peace ko with it. 'Yung being single. Tapos, happy na ako, I was in a good place with myself, [I] love myself,” sabi niya.
“Tapos ito, 'tong lalaking 'to, papasok sa buhay ko, making me break all my rules. As in ahhhhh talagang kontra, push away,” sabi niya.
Ayon pa kay Mikee ay binibilang pa niya noon ang mga dahilan kung bakit hindi siya dapat pumasok sa isang relationship. Sinabi rin niyang iyon ang naging mindset niya nu'ng nagsisimula pa lang sila ni Paul.
“Ultimo bag, kasi nag-meet kami TLR, 'di ba? 'Yung maleta, kasi locked in, 2020, end of 2020 kami nag-meet. Ultimo bag ayoko nagpapatulong. 'Pag tutulungan niya ako, ayoko. Parang kaya ko, kaya ko,” sabi niya.
Ayon kay Mikee, ang dahilan kung bakit niya kinokontra ang magkaroon uli ng love life noong mga panahon na iyon ay dahil natatakot siyang mawala ulit ang control niya.
“Kasi alam ko 'pag nagmahal ako, makakalimutan ko ulit sarili ko. Uunahin ko 'yung taong 'yun,” sabi niya.
Dagdag pa ni Mikee, hindi naman niya talaga type at hindi rin siya nagaguwapuhan kay Paul noon.
“Nagugulat nga ako sa sarili ko parang wait lang bakit unti-unti siyang gumaguwapo sa mga mata ko? Kailangan ko na ba ng salamin? As in haaaa ano nangyari sa akin?” sabi niya.
“Feeling ko, let's call it God's humor. As in I think it's funny for him to see na, eto tayo plano plano ng mga type natin ng gusto natin sa relationship. And then, the one who we fall in love with is totally the opposite. Parang wow what's the... can you see the humor in that?” pagpapatuloy ni Mikee.
Ngunit sa huli, ikinuwento rin ni Mikee kung bakit “you can't really choose who you fall in love with.”
BALIKAN ANG ROMANTIC WEEKEND NINA MIKEE AT PAUL SA BATANGAS SA GALLERY NA ITO:
Ayon sa aktres, meron ding mga dumaan na mga manliligaw na nasa kanila na ang lahat ng hinahanap niya, pero hindi sila nagkakatuluyan.
Kuwento ni Mikee, “I had that one relationship na ganun, every thing was perfect na, okay siya, mabait, kita mong pinalaki ng maayos ng magulang. Sobrang respectful sa magulang ko din at sa family ko.”
Ayon kay Mikee, 10 months din sila nag-date ng kaniyang manliligaw, at sinabing inakala niya noon na magkakaroon din siya ng feelings para dito. Ngunit sa huli, “It never came.”
Aminado ang aktres na mahirap pilitin ang sarili na magkaroon ng feelings para sa isang tao kaya naman, sinabi rin niya agad sa kaniyang manliligaw. Ngunit hindi naman inaasahan ni Mikee ang magiging tugon nito.
“Ito namang napakabait na lalaking to, tinanggap pa, gusto pa i-try,” sabi ni Mikee.
Ani Mikee, napaka-emosyonal niya noon at humahagulgol siya nang magbigay siya ng sagot sa kaniyang manliligaw, “Kung puwede lang akong pumili kung kanino ko mai'-in love ikaw, na talaga pipiliin ko.”
Pakinggan ang buong interview ni Mikee dito: