
Kabilang si Mikee Quintos sa stellar cast ng upcoming comedy movie na Saving Cherry, na pagbibidahan ng kapwa niya Sparkle artist na si Barbie Forteza.
Sa recent media conference para sa nasabing pelikula, ibinahagi ni Mikee na isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang proyektong ito ay dahil si Barbie ang gaganap bilang lead star.
“Sinabi ko kay Barbie na isa sa mga rason kung bakit din ako umoo is because she's leading it. And for my very first movie, it's an honor to support Barbie.
“Girl, pasabog ka dito! Pasabog siya dito and I'm so honored to be part of that. I know it's a milestone in your career, that's why it will be a milestone in mine,” kwento niya.
Related gallery: The acting range of Barbie Forteza
Bukod dito, tinanong din ang cast sa media conference kung sa tingin nila ay deserve ba ng cheaters na mabigyan ng second chance.
Ayon kay Mikee, naniniwala siya noon na okay lamang magbigay ng isa pang pagkakataon dahil walang perpektong tao, ngunit nag-iba na ang kanyang pananaw tungkol dito.
“Deserve ba ng mga cheaters ng second chance? Full transparency. I used to believe na wala naman talaga kasing perfect. So, I used to believe na puwede, okay lang 'yon. And the important thing is the why, 'yung sagot sa kung bakit nagawa.
“But now I agree with Khalil na no because giving a chance to a cheater, 'yung chance is hindi para don sa cheater, 'yung compromise mas nasa iyo. So, no. No more. That's the answer,” paliwanag niya.
Bukod kina Barbie Forteza at Mikee Quintos, mapapanood din sa Saving Cherry sina Khalil Ramos, Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy De Santos, at iba pa.