
Aminado ang Kapuso star na si Mikee Quintos na noong nagsisimula pa lang ang relationship nila ni Paul Salas ay hirap sila sa communication. Pero ayon sa aktres, kahit anong mangyari ay kailangan lagi pa rin kayong magkakampi sa mga bagay-bagay.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Mikee na meron siyang analogy tuwing nag-aaway sila noon ni Paul.
“Imagine, interrogation table, na magkatapat kayo ng karelasyon mo, every time mag-aaway kayo, nakatapat, you're laying all your cards, he's laying all his cards in front of him. Pero hindi kayo magkaintindihan kasi 'yung cards niya nakabaliktad sa 'yo. Nakaharap sa kaniya,” sabi niya.
Ayon kay Mikee, ipinaliwanag niya kay Paul ang interrogation analogy niya para magkaintindihan sila.
“Bakit hindi puwedeng magkatabi tayo sa table, hindi tayo magkatapat, tapos ilatag natin 'yung cards na nakaharap sa ating dalawa. Tapos, sabay nating ayusin. 'Yun, ganun natin harapin,” sabi niya.
“Ever since nung na-adjust namin 'yun, now, until now, we see every argument or every disagreement as an opportunity to grow together. That's how we see it now,” dagdag ni Mikee.
Tuwing nagkakatampuhan sila ay napag-uusapan nila ito sa tamang lugar. Alam din nila ni Paul sa isa't isa na maayos nila together ang kung ano mang ang pinagkatampuhan nila.
“Parang nandoon 'yung laging sinasabi nila or the more common thing that people say is lagi kayo dapat magkakampi. 'Yung ugali niyang panget na hindi mo gusto, pareho niyong haharapin together,” sabi niya.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGTAPOS NA NG KOLEHIYO HABANG NAGTATRABAHO SA GALLERY NA ITO:
Aminado naman ang aktres na bilang human beings, normal lang na maging emosyonal kaya madalas ay napapa-react ang ilan ng hindi sinasadya. Ngunit ayon kay Mikee ay hindi naman dapat iyon pinepersonal at inaatake ang partner dahil “they don't have control over that.
“Nandoon 'yung inalagaan namin yung feeling na maging magkakampi kami kaya siguro masasabi ko, siya yung best partner na nakatapat ko in this lifetime so far at siya na 'yung last, hopefully,” sabi niya.
Pakinggan ang buong interview ni Mikee rito: