
“FIGHT ME!!! There's a new lawyer in town!” sambit ni Mikee Quintos na super proud sa kanyang kapatid na si Louisa Marie Quintos.
Sa kanyang Instagram post, ipinaalam ng aktres sa kanyang fans na nag-oath taking na ang kanyang kapatid pagkatapos pumasa sa 2019 Bar Examinations noong April 29, 2020.
Sa Facebook post ni Louisa pinasalamatan niya ang kanyang pamilya sa patuloy na pagsuporta sa kanyang mga pangarap bilang isang abogada.
Aniya, “I am immensely grateful that I took my Oath today surrounded by the people I love the most.”
Ayon sa post ni Konsehal Wardee Quintos ng Sampaloc, Manila na ginanap ang Oath Taking ceremony via Zoom video conference.
Si Atty. Louisa Marie Quintos ay isa sa mga anak nina Manila City Personnel OIC Jocelyn Quintos at Konsehal Wardee Quintos ng Sampaloc, Manila.
Kumuha siya ng kursong abogasya sa San Beda University.
IN PHOTOS: Mikee Quintos and Scarlet Snow Belo can pass as sisters!
LOOK: Mikee Quintos' pretty and talented sister, Denise