
Tumanaw ng utang na loob ang Sparkle actress-singer na si Mikee Quintos sa original cast ng high-rating Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.
Nakuha ng aktres ang title role bilang young Elsa na ginampanan ng multi-awarded comedienne na si Manilyn Reynes.
Sa Kapuso Online Exclusive featuring Mikee, buhos ang papuri niya sa original cast ng Pepito Manaloto, lalo na sa kanyang Ate Manilyn.
Saad niya, “May ibang dating si Ate Mane e, na 'pag ka-work ko siya ang lambot agad ng heart ko, parang bukas ako agad.”
Pagpapatuloy niya, “Very comforting, parang you feel safe, so you're open right away. She's very easy to work with and I hope this won't be the last time and it is such an honor to be a young Elsa. Gusto ko mag 'thank you' sa kanya for supporting, and grabe, hindi talaga nawala support nila throughout the show.”
“Ka-message namin sila and we have a viber group together and yeah sana napa-proud ko siya 'pag play bilang young Elsa niya.”
Sa pagtatapos ng season ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, naikuwento ni Mikee Quintos na sentimental ang buong cast na napalapit na rin sa isa't isa.
Kuwento ng Kapuso actress, “Ito na lang last taping day namin recently, medyo nagiging senti kaming lahat, kasi looking back two seasons din and mami-miss talaga namin makita 'yung isa't-isa.”
Kilalanin pa nang husto ang Sparkle artist na si Mikee Quintos in this Kapuso Online Exclusive:
Tutukan ang exciting happening sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa Sabado (March 19) ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.