
Ikinuwento ng Sparkle actress na si Mikee Quintos ang kanyang pinaka-memorable blessing na natanggap ngayong taon.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Mikee, sinabi niya na ang "independence" ay ang kanyang greatest blessing ngayong 2025.
"My new place, I was able to move out. Independence, I guess. Kung ilalagay ko sa isang word, independence, it's my greatest blessing this year," lahad niya.
Dagdag pa ng aktres, "Hindi siya all pretty ha. May mga nights na madaming tears, gano'n, pero worth it e. May mga things kang matututunan kapag mag-isa ka lang talaga. That's true."
Bukod sa mga biyaya, ibinahagi rin ni Mikee ang mahalagang aral na natutunan niya ngayong taon.
Aniya, "That the only important audience that you should care about the opinion or you should try to please is Him, 'yun lang, Siya lang. Hindi ka dapat nadadala sa kahit ano'ng sabihin ng iba kasi opinyon lang Niya 'yung importante."
MEANWHILE, TAKE A LOOK AT THE BEHIND THE SCENES OF THE GMA CHRISTMAS STATION ID 2025 IN THIS GALLERY.