Article Inside Page
Showbiz News
Kapansin-pansin na blooming at masaya ang 'The Half Sisters' star na si Thea Tolentino sa kanyang naganap na debut noong Sabado. Dahil ba ito kay 'Protégé' finalist Mikoy Morales?
By CHERRY SUN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Pansin ang pagka-blooming at saya ng
The Half Sisters star na si Thea Tolentino
sa kanyang naganap na debut noong Sabado. Ngunit maliban dito ay tila hindi rin maitago ang kanyang sweetness with
Protégé finalist Mikoy Morales.
Maraming kinilig nang maghandog si Mikoy ng isang original composition para sa debutante. Nagkakamabutihan na nga kaya ang dalawa?
Kuwento ni Mikoy sa
24 Oras, “Ang totoo kasi niyan talaga, hindi ko pa siya sinasagot.”
Pabirong dugtong naman ni Thea, “Onga, hard to get siya. Eh kasi ang hirap pumasa sa kanya eh.”
Nagkakabiruan man ay aminado rin silang special ang isa’t isa para sa kanila.
Sabi pa ni Mikoy, “siya na ‘yung pinaka-best friend ko, as of now.”