
Tagos sa puso ang kantang inalay nina Sparkle stars Mikoy Morales at Chariz Solomon para sa hardworking staff ng kanilang show na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Sa Facebook post ni Mikoy, ipinasilip niya ang duet nila ni Chariz ng version nila ng “Gusto Ko Nang Bumitaw.” Pero makikita na iniba nila ang lyrics ng kanta upang ikuwento ang paghihirap ng production team para makapagbigay ng isang quality episode every Saturday night.
May mahigit sa 1.8 million views na ang duet ng dalawa sa Facebook at nakapagtala rin ito ng 95,000 reactions.
Pinasalamatan naman ng fans ng Pepito Manaloto ang lahat ng cast at crew, para sa kanilang mga sakripisyo.
Samantala, ibinahagi naman ng multi-awarded comedienne na si Manilyn Reynes na gumaganap na Elsa Manaloto sa Kapuso sitcom ang ilang highlights ng kanilang Christmas party sa Pepito Manaloto.
“Napakasaya ng Christmas Party! Napakasaya ng samahang ito…Maligayang Pasko po, mula sa Pepito Manaloto Family!!!”
TAKE A LOOK AT THE THROWBACK PHOTOS OF PEPITO MANALOTO CAST: