
Hindi matatawaran ang pagiging likas na komikero ni Pepito Manaloto star Mikoy Morales.
EXCLUSIVE: Mikoy Morales on being part of 'Pepito Manaloto': "Yung pressure sa 'Pepito' maganda"
Kaya kahit sa birthday message ng Kapuso comedian para sa kanyang nanay, may kulit na hirit pa rin ito.
Sa Instagram post niya kahapon, April 21, binati nito ang ina sa kanyang special day.
Wika niya, "Lagi mong pinaparinig samin na nagaalala ka kung anong mangyayari sa'yo pagtanda mo. Huwag kang magalala, naghahanap na kami ng magandang home for the elderly. Joke lang."
Nangako din si Mikoy na lagi silang nandiyan para alagaan ito.
"Siyempre aalagaan ka namin. Hanggat kaya mo pang magbake. Joke lang din yun.
"Pero 'di nga, gaganda pa buhay niyo ni Daddy, promise. I love you.
"Always remember that no matter what I turn out to be, a huge part of me will always be your boy - and you'll always be my ma pengeng baon. Haberday."
Nakatanggap din ng birthday message ang nanay ni Mikoy mula sa celebrities tulad nina Rodjun Cruz at Janno Gibbs.