
"Hi, kumusta kayo? Sana okay."
Ito ang simula ng post ni Mikoy Morales ngayong ang Luzon ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine.
Kuwento ni Mikoy, hindi pa natin alam ang puwedeng mangyari pero may mga paraan para makatulong sa kapwa.
"Simula pa lang ng quarantine na 'to. Hindi natin alam kung ano pa ang mga pwedeng mangyari, but maybe we can make this situation a little better by the day if we do our part."
Aniya, manatili tayo sa ating mga bahay at mag-sanitize. "Yes, OUR part - tayong mga may bahay at ang gagawin lang ay hindi lumabas. First of all, stay home and keep sanitized. Lucky us, may nabili pa tayong alcohol. Keep healthy."
Binigyang diin rin ni Mikoy ang pagbabahagi lamang ng balita mula sa credible na sources. Bukod dito, tumulong rin sa mga drives na binuo para sa mga nasa frontline.
"Second, since you're online, keep sharing credible updates and posts that might help others. There are also groups online that are organizing drives to help those who are on the frontline, the homeless, and those in need. Maybe check that out? Try mo lang, baka may maitulong ka."
Ang huli niyang paalala ay ang pag-check sa mga mahal sa buhay. Importante umano ito dahil nakakaapekto ang isolation sa ating mental health.
And lastly, please check on your loved ones, especially the ones living alone. We don't know how this isolation can affect our mental health. Kung may time kang mag Tik Tok, may time kang mangamusta."
Paalala pa ni Mikoy, "Okay. Ngayon hinga tayo. Kaya 'to. Kaya natin 'to, Pilipinas. Tulungan lang."
TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19