Article Inside Page
Showbiz News
Ginagampanan ni Kapuso actor Mikoy Morales ang character ni Boknoy, ang best friend ni Isagani (Elmo Magalona) sa Villa Quintana. Kinumusta ng GMANetwork.com ang aktor tungkol sa kanyang role at kung paano ba niya pinaghahandaan ang kanyang bawat eksena.

Ginagampanan ni Kapuso actor Mikoy Morales ang character ni Boknoy, ang best friend ni Isagani (Elmo Magalona) sa
Villa Quintana.
Si Boknoy ang tanging kasangga ni Isagani lalo na kapag inaapi siya ng barkada ni Jason (Juancho Trivino). Sa katunayan, may isang scene daw doon na binugbog ni Jason si Isagani. At bilang kaibigan, ginusto niyang ipagtanggol ang kaibigan ngunit parehas lamang daw silang nabugbog.
Bukod dito, lagi ring pinagtatakpan ni Boknoy si Isagani sa inang si Lumeng (Sunshine Dizon). Sa tuwing magtatagpo kasi sina Isagani at Lynette (Janine Gutierrez), kinakailangang magkita sila ng palihim dahil galit si Lumeng sa pamilya ni Lynette.
Kuwento ni Mikoy, hindi naman siya nahihirapang gampanan si Boknoy. Ang tanging problema lang daw ay iba ang paraan ng pagsasalita nito sa kaniya in real life.
Inamin ni Mikoy na hirap siyang i-portray ang pagiging probinsyano ni Boknoy. “Ang challenge lang sa role is ‘yung pagsasalita kasi more probinsiyano dapat. It's just really far from me,” dagdag niya.
“May mga times na kina-cut ako na, oy mali, hindi siya ganoon, dapat ganoon. Kasi ‘yung pagka-pronounce ko iba,” pahayag ni Mikoy.
Ani Mikoy, nahihirapan daw kasi siya dahil iba ang nakasanayan niyang pagsasalita – ang paggamit ng Taglish. Kinakailangan daw kasi na malutong ang pagkakabigkas niya ng kaniyang mga lines para magmukhang taga-probinsiya.
“Minsan dapat ‘tol, napapa-bro ako. ‘Yung mga ganoong instances,” kuwento ni Mikoy.
Ano ba ang ginagawa Mikoy para magkaroon ng improvement ang pagganap niya kay Boknoy?
“Ang ginawa ko, actually ginagawa ko pa rin, except ngayon kasi interview to, kahit offcam, kahit sa normal na buhay, pinupurong tagalog ko na ‘yung salita ko, saka ‘yung naging mas conscious na ‘ko sa diction ko na kailangan mas tunog probinsiyano,” sagot niya.
Subaybayan si Mikoy Morales bilang Boknoy sa remake ng
Villa Quintana, weekdays after
Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime. For updates on Mikoy Morales and your favorite Kapuso stars and shows, keep visiting
www.gmanetwork.com.
- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com