
Proud at masaya si Mikoy Morales na naging parte ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan kasalukuyan siyang napapanood bilang ang huling Nymfa na si Agnem.
Sa kanyang three-minute vlog na "The Last Nymph," ipinasilip ni Mikoy ang ilang behind-the-scenes sa set ng Sang'gre at kulitan kasama sina Mikee Quintos at Kate Valdez, na gumaganap bilang Lira at Mira.
Ipinakilala rin niyang muli ang pinagmulang lahi ni Agnem--ang mga Nymfa.
"Sa sobrang lawak ng mundo na 'to (Encantadia), may sarili siyang geography and may sarili siyang creatures. From creatures of the forest, creatures of some elements, kung ano-ano pa. Mayroong mga Lireyan, may mga Sapiryan, may mga Hathor, tapos si Imaw na Adamyan. Tapos may pinakitang creatures din na tinatawag na mga Nymfa.
"Itong mga Nymfa ay mga tree people, na mga nakatira sa villages, sa mga gubat all over Encantadia. Tapos nu'ng 2016 ang mga pinakitang gumanap na mga Nymfa ay sina Jake Vargas, Ina Estrada, at saka si Winwyn Marquez," pagpapakilala ni Mikoy sa mga Nymfa.
Ikinuwento rin ni Mikoy kung bakit si Agnem na lang ang natitirang Nymfa sa Encantadia at ang pagnanais nito na maparami muli ang kanyang lahi.
"Apparently before the 2016 war ay naging casualty 'yung tribe niya, tapos naubos 'yung lahi niya, siya na lang 'yung natira. Ngayon, sobrang tagal na niya single mayroon na siyang duty to reproduce. Nakatira pa rin siya sa outskirts ng Encantadia, naghahanap ng mga pwede niyang gawing vessel ng mga pwede niyang maging anak...
"But, eventually, hindi pa rin natuloy itong pag-aanak ni Mira dahil nga binawi ni Agnem dahil natauhan siya na parang 'ah 'di naman pala ako mahal ng mga 'to.' And then, hanggang ngayon magkasama pa rin sila."
Ipinarating din ni Mikoy sa kanyang vlog kung gaano siya kasaya na napasama sa Sang'gre at muling nakatrabaho rito ang celebrity best friend na si Mikee Quintos.
"Ang saya lang na naging part ako ng Encantadia kasi fan ako ng Encantadia and fan ako ng fantaseryes ng GMA, as a whole.
"'Yan 'yung rason kung bakit ko maaga tinatapos 'yung mga assignment ko dati para makanood na kami ng TV at makatulog kami nang maaga for school. And also, at the same time, I got to work again with this person here (Mikee)."
Subaybayan si Mikoy Morales bilang Agnem sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
RELATED CONTENT: Mikee Quintos, ipinakita ang behind-the-scenes sa set ng 'Sang'gre'