GMA Logo Mikoy Morales
PHOTO COURTESY: sparklegmaartiscenter (IG)
What's Hot

Mikoy Morales says acting workshops are the 'biggest behind the scenes' aspect of being an actor

By Dianne Mariano
Published August 23, 2023 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Via Crucis (Way of the Cross) procession during Good Friday celebrations in Rome
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Mikoy Morales


Patuloy na hinahasa ni Kapuso actor Mikoy Morales ang kanyang talento sa pag-arte sa pamamagitan ng acting workshops.

Isa si Mikoy Morales sa mga nagniningning na aktor ng kanyang henerasyon.

Napanood na si Mikoy sa iba't ibang Kapuso shows at ipinamalas na rin niya ang kanyang galing sa pag-arte sa larangan ng pelikula at teatro.

Kamakailan ay nagwagi ang Kapuso star bilang Best Actor sa 19th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival para sa pelikula na pinamagatang Tether, na idinirehe ni Gian Arre.

Related content: Kapuso stars na bumida sa Cinemalaya

Patuloy si Mikoy sa paghahasa ng kanyang talento sa pag-arte sa pamamagitan ng workshops ng Sparkle GMA Artist Center.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Mikoy na malaking bahagi ng kanyang journey bilang aktor at indibidwal ang seasoned actress at acting coach na si Ana Feleo.

“Ate Ana's been a huge part of my journey and process as an actor and as a person. Alam niya lahat ng mga binubuga namin sa workshops na hindi nakikita ng mga tao sa set and vice versa. 'Yung lahat ng nakikita nila sa set and sa mga pelikula o mga teleseryeng ginagawa namin, bunga rin 'yun ng lahat ng workshops na 'yon,” pagbabahagi niya.

Ayon pa kay Mikoy, itinuturing niyang "biggest behind the scenes" aspect ng kanyang trabaho bilang aktor ang acting workshops ng Sparkle.

Aniya, "For me, it's like my go-to, it's free therapy. Doon ko rin naaayos 'yung kabuuan ko as a person and dahil sa workshops ko siya ginagawa with Ate Ana, ikinabubuti ko pa sa trabaho ko dahil may natutunan ako kung paano siya i-apply sa work. But it's really the very major, and if not, the biggest behind the scenes aspect of my work. It's that workshop."

Bukod dito, kabilang si Mikoy sa cast ng TV adaptation ng Maging Sino Ka Man, na pagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco.

Samantala, nagbabalik ngayong taon ang Sparkle Prime Workshop at magsisimula ngayong Setyembre ang 10 sessions na face-to-face classes.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)