Article Inside Page
Showbiz News
Simula noong mag-audition si Mikoy sa 'Protégé', naging abala na siya sa mundo ng show business. Nariyan ang iba’t ibang roles na kanyang nagawa bilang Kapuso artist. Ngunit ano pa nga ba ang roles na gustong gampanan ni Mikoy Morales?

Simula noong mag-audition si Mikoy sa
Protégé, naging abala na siya sa mundo ng show business. Nariyan ang iba’t-ibang mga roles na kanyang nagawa bilang Kapuso artist. Ngunit ano pa nga ba ang roles na gustong gampanan ni Mikoy Morales?
Bukod sa kanyang regular show na
Villa Quintana, nagkaroon si Mikoy ng pagkakataon na mag-guest sa
Pepito Manaloto bilang Roxy, ang classmate ni Chito na bading. Aniya, isa ito sa mga roles na nais niyang gawin muli.
“Kasi masaya siya e. Kasi parang others. parang dun mo ma-apply lahat ng nao-observe mo sa paligid mo, when you're in the set or in the show. Those kind of roles na out of my norms,” saad niya.
Kuwento ni Mikoy, kung mabibigyan siya ng pagkakataon na umarte muli para sa isang gay role, gusto niyang makapartner ang isa sa mga
Teen Gen boys.
For fun, pinili ni Mikoy si Jeric Gonzales bilang partner. Aniya, “puwede si Jeric kasi alam ko medyo maiilang siya e. Bibigay at matatawa 'yun agad! Mas gusto ko 'yung ganun kasi mas masaya.”
Ibinahagi din ni Mikoy na sa kanyang maiksing pagganap sa
Pepito Manaloto, naitodo niya ang kanyang pag-arte.
“Nung sa set ng
Pepito, okay din si Jake Vargas. Ewan ko kung nandidiri siya o ano, baka naiilang siya sa akin. Kaya mas nilalandi ko siya!”, natatawang kuwento niya.
Dahil sa reaksyon ni Jake sa kanyang pag-arte, mas gusto pang pagbutihin ni Mikoy ang kanyang pagganap sa mga gay roles. Aniya, “Mas fun e, kaya mas tinotodo ko. Kasi kung alam mong makikiride lang. Ay, okay! Pero pag alam mong naiilang na, 'yung malapit na silang bumigay parang tuloy pa din! ‘Yun yung masaya e!”
Abangan si Mikoy sa
Villa Quintana, pagkatapos ng
Eat Bulaga.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com