
Masayang humarap sa entertainment media si Miles Ocampo sa media conference ng pelikulang Family of Two kagabi, December 3.
Isa si Miles sa inaabangang dadalo sa naturang press conference dahil kamakailan lang ay kinumpirma ng kaniyang dating boyfriend na si Elijah Canlas na hiwalay na sila ng aktres.
“I'm good, I'm happy na nandito po ako at kasama ko kayong lahat. Kumusta po kayo?” natatawang sagot ni Miles nang kumustahin siya.
Dahil may tema ng pagmamahalan ng magulang at anak ang Family of Two, tinanong din si Miles kung paano siya nasuportahan ng kaniyang magulang.
Tugon ni Miles, “Alam mo, 'yun ang maganda sa mga parents, kahit hindi ka magsabi sa kanila, kahit hindi ka magsalita at di ka mag-share. Nararamdaman nila kung ano ang nararamdaman ko.
“Pero grateful ako… ito 'yung pinag-uusapan namin kanina. 'Yung family kasi natin… lalo na kapag teenager… Dati, noong bata-bata pa ako, parang gusto kong magmadali, gusto kong maging independent. Nakakalimutan mo, ikaw nagmamadaling tumanda, pero sila tumatanda na rin.”
Dagdag pa niya, hindi nakalilimot ang mga magulang niya na kumustahin siya palagi.
Ani Miles, “I'm grateful sa mommy ko, sa parents ko, actually. Kahit na wala kayong conversation, mararamdaman mo na bigla na lang magte-text si Mama, 'Kumusta ka? Kumusta ka today?'
“Ano po 'yun, parang nasa dugo 'yun. Hindi mo na kailangan… communication lang naman po. Hindi na kailangan ng full details. Iche-check at iche-check ka nila po.”
Sa ngayon, abala si Miles sa kaniyang TV projects at pagpo-promote ng Family of Two, na pagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards. Ito ay bahagi ng 2023 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Pasko.
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG KAPUSO STARS NA BIBIDA SA 2023 MMFF: