GMA Logo Miles Ocampo
PHOTO COURTESY: milesocampo (IG) and GMA Network
What's on TV

Miles Ocampo, ibinahagi ang dahilan nang pagpayag sa paggawa ng proyekto sa Kapuso Network

By Dianne Mariano
Published December 24, 2021 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Miles Ocampo


Bakit nga ba tinanggap ni actress Miles Ocampo ang bagong proyekto na 'Happy ToGetHer?' Alamin ang kanyang sagot dito.

Masayang ibinahagi ng dating Goin Bulilit talent Miles Ocampo ang kanyang sagot kung bakit siya umoo sa bagong sitcom series ng GMA-7 na Happy ToGetHer.

Sa idinaos na online media conference kamakailan, isang miyembro ng press ang nagtanong sa aktres tungkol sa pagpayag niya na gawin ang sitcom na ito at kung nagkaroon ba siya ng pag-aalinlangan bago ito tanggapin.

“Ako noong nalaman ko po na same group and, of course, Kuya John Lloyd and Direk Bobot, without any hesitations, I said yes agad,” pagbabahagi ng aktres.

Ayon pa kay Miles, nagpaalam pa muna siya sa kanyang mga boss at lubos ang pasasalamat nito nang siya'y payagan na gawin ang bagong proyekto na ito.

Aniya, “Syempre po nagpasintabi muna tayo sa mga boss ko and I'm very happy na pinayagan naman po nila ako.”

Nagpasalamat din ang aktres sa Kapuso Network dahil napasama sila ni actor Jason Gainza sa bagong tahanan ni John Lloyd Cruz.

Dagdag ni Miles, “And sobrang blessed ko dahil pumayag din ang GMA na mapasama kami ni Kuya Jason dito sa bagong tahanan ni Kuya.”

Gagampanan ni Miles ang karakter ni Liz na anak ni Nanay Pining, na bibigyang buhay ni Carmi Martin, sa big comeback project ni John Lloyd.

Huwag palampasin ang world premiere ng Happy ToGetHer sa panalong Sunday Grande sa Gabi sa darating na December 26, bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Silipin ang behind-the-scenes ng Happy ToGetHer sa gallery na ito.