GMA Logo miles ocampo on Eat Bulaga
What's on TV

Miles Ocampo, pinuri dahil sa galing sa drama sa 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published September 19, 2022 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

miles ocampo on Eat Bulaga


Marami ang napaluha sa acting ni Miles Ocampo sa segment na "Alamat ng Batang Hamog" sa 'Eat Bulaga.'

Timeout muna sa kanyang "knock-knock" jokes ang Eat Bulaga dabarkads na si Miles Ocampo na kamakailan ay pinabilib ang maraming manood sa kanyang galing sa drama.

Sa episode 3 ng bagong segment ng nasabing noontime show na "Alamat ng Batang Hamog," ipinakita ang matinding problema at pinagdaraanan ng karakter ni Miles na si MilesHamog. Nagsara ang foundation na nagbibigay sa kanya ng scholarship kung kaya't pumasok siya iba't ibang "raket" upang makaipon ng PhP5,000 na kailangan niya upang makapag-enroll sa pinapasukang eskwelahan.

Marami ang naantig sa acting ni Miles at naka-relate sa kanyang sitwasyon na nararanasan din ng normal na kabataan ngayon.

"Mahirap maging mahirap, 'yung pakiramdam mo pasan mo 'yung buong daigdig. Gusto ko lang naman makapagtapos ng pag-aaral, pangarap ko 'yun e," isa sa mga linya na binitawan ni Miles.

"Miles is so relatable talaga. 'Yung line na ANG HIRAP MAGING MAHIRAP. GUSTO KO LANG NAMAN MAG ARAL AT MAKAPAG TAPOS. This the reality of being mahirap talaga. Grabe yung Miles, grabe ang segment na 'to," sabi ng isang netizen sa YouTube post ng noontime show.

"Nakakatanggal ng stress mga batang hamog. Palagi kong hinihintay ang episode nila may moral lesson na makukuha. Siguro ilalagay sa story na nagsipag sila sa pag aaral hanggang sa umasenso sila sa buhay. 'Pag may tiyaga may nilaga. Waiting pa sa mga susunod na Episodes. Watching from Israel," komento naman ng isang OFW na nanonood ng Eat Bulaga.

Sa nasabing segment kasama niyang gumaganap bilang mga batang hamog sina Maine Mendoza bilang MengHamog, Maja Salvador bilang MaHamog, at Ryzza Mae Dizon bilang MaeHamog.

Kamakailan, pinatunayan din ni Miles ang kanyang pagiging certified dabarkads matapos siyang ma-"Bida Ex" sa noontime show. Dito ay nag-apply siya bilang camerawoman, production staff sa "Juan for All, All for Juan," pagtitinda sa labas ng APT studios, at ang kanyang all-out, doble-kara performance noong Sabado.

Panoorin ang nakakaantig na episode ng "Alamat ng Batang Hamog" sa Eat Bulaga sa video na ito:

SAMANTALA, SILIPIN ANG TRANSFORMATION NI MILES FROM CHILD STAR TO TV ACTRESS SA GALLERY NA ITO: