GMA Logo Miles Ocampo
Source: milesocampo (IG)
What's Hot

Miles Ocampo receives heartfelt birthday greetings from celebrities and friends

By Aedrianne Acar
Published May 3, 2022 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Miles Ocampo


Happy birthday, Miles Ocampo!

Punong-puno ng pasasalamat ang Happy ToGetHer star na si Miles Ocampo sa mga natanggap niyang pagbati mula sa mga kaibigan at katrabaho sa show business sa kaniyang birthday.

Sa Instagram Story ng dating child star, ni-repost niya ang ilan sa birthday greetings mula sa Crown Artist Management executive at Eat Bulaga star na si Maja Salvador at beauty queen na si MJ Lastimosa.

Nakatanggap din siya ng pagbati mula kina Ritz Azul at Dimples Romana.

Source: milesocampo (IG)

Sa isang niyang post sa Instagram Story, kita ang galak at kasiyahan ni Miles sa lahat ng tao na nakaalala sa kaniyang special day.

Aniya, “Thank you for all the love! I will reply to your messages and posts, promise. Happy Birthday to me.”

Source: milesocampo (IG)

Samantala, may pasilip naman ang mga co-star ni Miles sa high-rating sitcom na Happy ToGetHer na nagpunta sa Boracay para sa kanilang taping.

May patikim na sina Carmi Martin, Jenzel Angeles at Ashley Rivera sa magiging taping nila sa island paradise sa mga susunod na araw.

Isang post na ibinahagi ni Carmi Martin (@misscarmi_)

Isang post na ibinahagi ni Carmi Martin (@misscarmi_)

Find out more about the multi-talented actress Miles Ocampo in this gallery.