GMA Logo Mimiyuh Julie Anne San Jose
What's Hot

Mimiyuh okays collaboration with Julie Anne San Jose

By Gabby Reyes Libarios
Published March 3, 2020 10:59 AM PHT
Updated March 3, 2020 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Mimiyuh Julie Anne San Jose


“Tuturuan kita kung paano talaga kumanta,” Mimiyuh jokingly tells Julie Anne San Jose during their first meeting at an event.

Parehong aliw na aliw sina Julie Anne San Jose at Mimiyuh nang magkita sila sa unang pagkakataon sa ginanap na opening ng Shinagawa Lasik & Aesthetics clinic sa Bonifacio Global City noong Sabado, February 29.

Maituturing na isa sa mga highlight ng event ang unang pagkikita ng Asia's Pop Diva at ng YouTube sensation na kinagiliwan din ng mga guest.

Para sa mga hindi nakakakilala kay Mimiyuh, siya ang vlogger na nagpasikat sa online craze na "Dalagang Pilipina.”

Lalo siyang sumikat nang simula siyang gayahin ng maraming artista sa social media.

Katulad ni Julie Anne, isa rin sa celebrity influencers ng clinic si Mimiyuh.

Julie Anne San Jose meets Mimiyuuh
Julie Anne San Jose meets Mimiyuh

Aminado si Julie Anne na matagal na niyang pinapanood ang videos ni Mimiyuh dahil nakatatawa raw ang mga ito.

Bagamat hiyang-hiya sa mga papuri na natanggap mula sa Kapuso singer, biniro ni Mimiyuh si Julie Anne na kailangan niyang mag-take ng vocal lessons mula sa kanya para lalong gumaling pa siya sa pagkanta.

Natawa na lang si Julie at sumang-ayon na looking forward siya sa paggawa ng isang "collab video" kasama si Mimiyuh kung magkaroon man ng pagkakataon.

Biro pa ni Mimiyuh kay Julie Anne, “Tuturuan kita kung paano talaga kumanta, Ms. Julie Anne.”

Panoorin ang nakakatuwang pagtatagpo nila dito:

Celebrity endorser

Samantala, magkahalong saya at kilig naman ang naramdaman ni Julie Anne nang mapili siya na maging endorser ng Shinagawa Lasik & Aesthetics, isang skin, dental, lasik surgery clinic sa Pilipinas.

"Nakakataba talaga ng puso," sagot ni Julie nang tanungin siya ni Lhar Santiago ng GMA News tungkol sa kanyang bagong endorsement.

"Just very, very happy and honored to be part of the family."

From left: Shinagawa's Dr. Francis Guerrero, Koji Miyashita, Julie Anne San Jose, Aiai delas Alas, Mimiyuuuh, Ms. Masako Uemori, and Dr. Terrence Cham

Pero paano ba inaalagaan ni Julie ang kanyang balat, lalo na kung wala siyang oras para makapunta sa clinic at makapagpa-treatment?

"Whenever I have work, I make sure na tinatanggal ko lahat ng makeup ko right after. I don't sleep with makeup on. I make sure that my face is always clean."

Mahalaga para kay Julie ang pagkakaroon ng clear skin dahil para sa kanya, ito raw ay repleksyon kung paano alagaan ng isang tao ang sarili niya.

"I exfoliate, kasi 'yung skin natin exposed siya sa dirt and pollution at makeup at kung anu-ano particles na puwedeng pumasok sa skin natin.

“Pero hindi naman siya puwedeng araw-araw kasi masama naman daw 'yon for the skin.

"I have sensitive skin, so ang cleansers ko very mild lang, gentle para di ma-irritate and mag-dry. I drink lots of water, two to three liters a day. And sleep is very, very important."

Bukod sa pangunguna ng ribbon-cutting ceremonies, nagkaroon rin ng pagkakataon na mag-perform si Julie Anne para sa mga bisitang dumalo sa opening ng clinic.