
May bagong investment ang content creator na si Mimiyuuuh na ibinahagi niya sa kaniyang 29th birthday ngayong Martes, November 11.
Makikita sa Instagram page ni Mimiyuuuh ang isang cute reel kung saan ipinasilip niya ang isang multi-bedroom condominium unit.
Caption niya sa kaniyang post, “HAPPY 29TH BIRTHDAY TO MEEEEEEEEE! GONNA FULFILL MY MIMIYUUUH AND THE CITY FANTASY! SI CARRIE NG SALCEDO ANG ATAKE!”
Hindi lang ito ang investment ni Mimiyuuuh. Noong 2020, ipinakita niya ang bahay na binili niya para sa kaniyang pamilya at nang sumunod taon, nag-invest siya ng sasakyan na isang Toyota Hiace Super Grandia Elite para sa kaniyang magulang.
Samantala, early this year, ipinasilip naman ng YouTuber ang kaniyang beach lot sa Zambales.
RELATED CONTENT: TINGNAN: Mga naipundar ng sikat na vloggers at social media stars