GMA Logo Mimiyuuuh
Courtesy: mimiyuuuh (IG)
Celebrity Life

Mimiyuuuh clarifies her 'Never date someone na walang pera' statement

By EJ Chua
Published July 5, 2023 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Mimiyuuuh


Mimiyuuuh sa kaniyang dating advice na nag-viral: “Hindi naman po ibig sabihin na mag-date kayo ng mga milyonaryo, mga bilyonaryo…hindi ganon, opo.”

Kamakailan lang, nag-trending ang vlogger na si Mimiyuuuh at ang kaniyang dating advice na ibinahagi niya sa isang magazine.

Labis na pinag-usapan at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang payo ni Mimiyuuuh at ang ilan pa rito ay tinawag siyang "matapobre" dahil sa kaniyang naging pahayag.

Sa latest Instagram post ng content creator, ibinahagi niya ang isang video kung saan ipinaliwanag at nilinaw niya kung ano ang tunay na kahulugan ng kaniyang payo.

Ayon kay Mimiyuuuh, “I said what I said about 'wag makipag-date sa mga taong walang pera… Hindi naman po ibig sabihin na mag-date kayo ng mga milyonaryo, mga bilyonaryo, mga naka-Porsche, hindi po ganon opo.”

Dagdag pa niya, “Mag-date kayo ng someone na may drive… 'yung hindi mangungutang at aasa sa inyo. 'Yun lang po 'yun, period.”

Kasunod nito, ibinahagi niya rin kung ano ang kaniyang priorities kaya hindi niya inuna ang pakikipag-date.

Pagbabahagi niya, “Galing po ako sa hirap opo, pero nakipag-date po ba ako na walang akong pera? Hindi po… At priority ko pong gawing buo 'yung sarili ko bago po ako magdagdag ng ibang tao sa buhay ko. You know what I'm saying?... Ayaw ko pong maging pabigat sa ibang tao.”

Tinapos naman ni Mimiyuuuh ang kaniyang video, “At the end of the day po, buhay mo naman 'yan eh. Sige, mag-date ka ng mga broke na tao. Opo i-date mo 'yan. Tapos kainin mo 'yung mga words of affirmation ninyo opo. Kimmy!”

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)

Kilala ang naturang vlogger sa kaniyang mga nakakaaliw at trending videos sa YouTube.

Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 4.45 million subscribers sa kaniyang YouTube channel.

SILIPIN ANG SPECIAL MOMENTS NI MIMIYUUUH KASAMA ANG ILANG CELEBRITIES SA GALLERY SA IBABA: