GMA Logo Mimiyuuuh COVID 19 experience
What's Hot

Mimiyuuuh, inalala ang COVID-19 experience ng pamilya: 'Akala ko po mawawala na 'yung nanay ko'

By Aedrianne Acar
Published May 14, 2021 10:33 AM PHT
Updated May 14, 2021 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Mimiyuuuh COVID 19 experience


Binasag ng vlogger at endorser na si Mimiyuuuh ang kanyang katahimikan kung bakit matagal siyang nawala sa pagvo-vlog. Dito ikinuwento niya na dalawa sa miyembro ng kanyang pamilya ang tinamaan ng nakakahawang sakit na COVID-19.

"Traumatic." Ganito isinalarawan ng sikat na YouTuber at endorser na si Mimiyuuuh ang mga nangyari sa kanilang pamilya nang tamaan ang kanyang Nanay Bheng at Tatay Amadz ng coronavirus disease 2019.

Ang nakakalungkot dito ay severe ang kaso ng kanyang nanay na lubos nilang ikinabahala.

Source mimiyuuuh

Source: mimiyuuuh (IG)

Sa video na inupload kahapon ni Mimiyuuuh, May 13, nagpaliwanag ang vlogger kung bakit siya hindi visible nitong mga nagdaang linggo.

Umamin din siya na isa siya sa mga tao na hindi sini-seryoso ang kung gaano kalala ang sakit na COVID-19.

Wika niya, “So, my parents po had COVID. Opo, totoo po ang COVID guys--COVID is real, kasi to be honest, at first ako po 'yung one of the people na I think COVID is a hoax.”

“Parang hindi po siya totoo, parang pinapalala lang po ng media ang mga nangyayari about COVID.

Biro pa niya, “And I was like COVID ain't got nothing on me B. Come for me COVID.”

“Ganun ako talaga, noong una, pero kinain ko po lahat ng sinabi ko, because of what happened to my parents.

“Si Tatay naman po, thank God, e, medyo mild po ang kanyang symptoms. Pero, ahhh gurl, sobrang nakakatrauma po 'yung nangyari sa nanay ko, opo, kasi siya po 'yung severe po ang case ng COVID.”

Nalaman din daw ng pamilya ni Mimiyuuuh na tinamaan ng sakit ang kanilang Inay Bheng ng magpa RT-PCR Test noong April 5. Bago nito nag-outing ang mga magulang ni Mimi at pagkatapos noon ay nakaramdam na siya ng sintomas.

Pagbabalik-tanaw ng social media personality na nakuha nila ang positive result ng kanilang nanay noong April 6, kung kailan ipinagdiriwang naman ni Tatay Amadz ang kanyang kaarawan.

“Nagwo-worry po ako, 'ha! Bakit wala pa pong result if sabi niya po parang kinabukasan ng morning may result na po.'

“Yan ise-send daw po nila sa aking email--'yun pala na-view ng aking handler sa aking email 'yung result. So pagka-check ko po doon positive po ang aking nanay.”

Matapos na i-isolate si Nanay Bheng sa tahanan nila at hindi pa rin bumubuti ang lagay nito, napagdesisyunan ng buong pamilya ni Mimiyuuuh at matapos kumonsulta rin sa doktor na dalhin na sa ospital ang kanilang magulang.

Dito sinabi ni Mimiyuuuh sa vlog na tinuturing niyang “worst day in her life” ang April 9 na araw kung kelan nila dinala sa ospital si Nanay Bheng.

Malungkot na kuwento ng socia media influencer, “April 9 po is the worst day ever, opo, in my entire life!

“Tsineck po ni Ms. Marife Mallari (Dr. Marife Mallari) po ang aking nanay and 'yun nga po ang baba nga daw po ng kanyang oxygen, dapat pala 'yung mga ganyang oxygen level lower than 95 na-admit na po sa ospital.

“So sabi po ni Miss Marife, na i-admit daw po dun sa St. Luke's Q.C. kasi kilala niya po 'yung pulmonologist dun.

“Nag-ready po kami ng mga dadalhin, sumama po dun sa ospital ay si Kuya, si Bebe, pati din po 'yung tito ko po as a driver and naka-PPE po sila, naka-face shield, naka-double mask ganyan.

“So, ang ginamit po namin ay 'yung aming car, so tinanggal po muna namin 'yung oxygen ni Inay sa kanyang ilong para malipat po siya sa car.

“Tapos, sobrang nagulat po kami--sumisigaw na 'yung kapatid ko, 'Nay, Nay, Nay!'

“So kami lahat nataranta, so lumapit kami kay Inay, sumugod kami sa kanya, nahimatay na pala ang nanay ko.

“Tapos nakita ko po 'yung nanay ko (exhales deeply) grabe! 'Yung mata niya po parang tumitirik na po, para po siyang isda na nakawala po sa tubig. Alam n'yo po 'yung naga-grasp po siya ng hangin.

“Sobrang hirap na hirap po siya huminga, so parang kami, 'yung oxygen, oxygen, oxygen ganyan',”

“Grabe 'yung experience kaya po umiyak na lang din po ako, kasi parang akala ko po mawawala na 'yung nanay ko sa harapan ko.”

Panoorin ang sumunod na kuwento ni Mimiyuuuh kung paano naging pahirapan ang paghahanap nila ng medical facility para sa ma-admit ang kanilang Nanay Bheng sa gitna ng lumolobong kaso noon ng COVID-19 sa Metro Manila.

Tulad din ng mga magulang ni Mimiyuuuh, ilan din sa celebrities ang tinamaan ng coronavirus nitong mga nakaraang buwan.

Alamin kung sinu-sino sila at ang kanilang kuwento kung paano hinarap ang sakit sa gallery below.