
Nagbago na ba si Mimiyuuuh?
Ito ang ilan sa mga nabasang komento ng content creator at fashion influencer na si Mimiyuuuh online.
Sa latest vlog ng 29-year-old internet star, ipinaliwanag niya kung bakit may bagong elements ang kaniyang vlogging style kumpara noon nagsisimula siya at nakatira pa lang sa Baclaran, Parañaque.
Sumikat online si Mimiyuuuh dahil sa pinauso niya noon na "Dalagang Pilipina."
Aniya, “To be honest po, I'm still the old Mimiyuuuh, but living her best life.
"Kasi, to be honest po, I'm doing things to make my younger self proud. And may nabasa ako, hear po, sa TikTok ang sabi po, 'You've grown into someone who would've protected you as a child'.”
Pagpapatuloy niya, “Parang yung younger self mo, 'pag nakita ka niya sa salamin. Sasabihin sa iyo niya, 'Proud ako sa'yo and I'm so happy na nakuha mo 'yung pinapangarap natin ngayon.' Nakaka-iyak, nakakatouch 'yung thought na 'yun.”
Binigyang-diin ng content creator na ang layunin niya sa pagshi-share niya ng achievements ay makapag-inspire ng ibang tao.
“Hindi ko kayo iniwan sa kanal, andito lang ako sa second floor. Kaya rin po ako share nang share ng mga na-achieve ko in life, ng mga ginagawa ko in life, kasi part po kayo talaga kung nasaan po ako ngayon. Kasi, gusto ko rin po sana maka-inspire sa inyo na hindi hindrance ang kaharipan.”
“You can take that ghorl out of the Baclaran, but you can't take Baclaran out of the ghorl.”
Related gallery: Best reaction ng celebrities sa kanilang bashers