
Usap-usap na ngayon sa social media ang pahapyaw ni Mimiyuuuh tungkol sa kaniyang upcoming vlog.
Tila hindi na naitago ni Mimiyuuuh ang excitement sa collaboration nila ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Charlie Fleming at Ralph De Leon.
Related gallery: #Collab: Vloggers and celebs who collaborated for video content
Nag-upload ng isang Reel ang sikat na content creator sa Instagram kamakailan lang, kung saan inanunsyo niyang makakasama niya sa vlog sina Charlie at Ralph.
Sulat niya sa caption sa nasabing Instagram post, “Gang gang gang! Excited na me for our vlog, opo. @ralph_dl @charlie.flmn (Ralph De Leon and Charlie Fleming).”
Sa Instagram Stories, makikitang may pahapyaw din ang Star Magic artist na si Ralph tungkol sa announcement ni Mimiyuuuh.
Sa hiwalay na posts, spotted sina Charlie, Ralph, at Mimiyuuuh sa ilang photos at videos, kung saan magkakasama sila sa Davao para sa endorsement ng isang popular soft drink.
Samantala, ang Sparkle star na si Charlie ay binansagang Bubbly Breadteener ng Cagayan De Oro sa Bahay Ni Kuya, habang si Ralph naman ay nakilala rito bilang Dutiful Judo-son ng Cavite.
Si Ralph at ang kanyang final duo na si Will Ashley ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ang Team CharEs (Charlie Fleming and Esnyr) naman ang Third Big Placer Duo sa nabanggit na katatapos lang na reality competition.