GMA Logo Charlie Fleming, Mimiyuuuh, Ralph De Leon
Photo by: mimiyuuuh (IG), ralph_dl (IG)
What's Hot

Mimiyuuuh, willing ma-headlock at mabalibag sa judo stunt ni Ralph De Leon

By Kristine Kang
Published September 6, 2025 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 2 up in 7 areas as Ada further intensifies
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming, Mimiyuuuh, Ralph De Leon


Puno ng good vibes ang food vlog nina Mimiyuuuh, Charlie Fleming, at Ralph De Leon!

Usap-usapan ngayon online ang bagong vlog ni Mimiyuuuh kasama ang dating housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Charlie Fleming at Ralph De Leon.

Puno ng energy ang tatlo nang libutin nila ang Davao para sa isang exciting food crawl ng ilang masasarap na kainan.

Mula sa restaurants, food hubs, at karinderya, game na game sinubukan ng trio ang mga ipinagmamalaking pagkain ng lungsod.

Pero hindi lang food trips ang pinusuan ng fans, kundi pati na rin ang chemistry ng celebrities sa vlog.

Una munang pinuri ng viewers ang matched energy nina Charlie at Mimiyuuuh na tila mag-besties daw ang kanilang banters.

Samantala, kilig overload naman si Mimiyuuuh kay Ralph. Inamin pa nito na paborito niya ang aktor sa PBB season.

"Nakyukyutan talaga ako kay Ralph," sabi ni Mimiyuuuh.

"Feeling ko type ka naman niya, e. 'Yung parang tall, medyo..." ani Charlie.

"And handsome?" hirit ulit ni Mimiyuuuh na napatawa silang dalawa.

"'Yung energy niya at tsaka 'yung mukha niya," dagdag ng vlogger. " Parang ang sarap gumising kung ganito ang katabi mo."

Mas lalong nagkaroon ng kilig vibes nang nakasama na nila si Ralph sa kanilang food crawl.

"RaMi? RalphMi?" tanong ni Charlie, gumagawa ng duo name para sa dalawa.

"RalphMi in your arms," banter ni Mimiyuuuh.

Umabot pa nga ang kanilang kulitan nang game pa magpa-headlock si Mimiyuuuh sa PBB star.

"Okay lang sa'yo headlock?" tanong ni Ralph na napatili ang content creator.

"Pangarap ko 'to!" hirit ni Mimiyuuuh.

Hindi lang headlock ang naranasan ng influencer dahil pati sample ng judo moves ni Ralph!

"'Yung puso ko Ralph nasayo na," komento ni Mimiyuuuh matapos magawa ang stunt.

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)

Bago ang mismong vlog, maraming fans ang na-excite sa teaser video at photos ng tatlo. Spotted din sina Charlie, Ralph, at Mimiyuuuh sa ilan pang posts, kung saan magkakasama sila sa Davao para sa endorsement ng isang popular soft drink.

Si Ralph at ang kanyang final duo na si Will Ashley ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ang Team CharEs (Charlie Fleming and Esnyr) naman ang Third Big Placer Duo sa nabanggit na katatapos lang na reality competition.

Balikan ang iba pang collaborations ng vloggers at celebrities sa gallery na ito: