Article Inside Page
Showbiz News
Alamin ang ilan sa mga Valentine’s Day experiences ng ating mga Kapuso stars!
Tao rin ang mga artista -- nasasaktan, napapahiya at nagiging BADUY! Alamin ang ilan sa mga Valentine’s Day experiences ng ating mga Kapuso stars! Text by Jason John S. Lim. Interview by the iGMA Team. Photos by Mitch S. Mauricio.
For this year's Valentine's survey, iGMA went around and asked some Kapuso stars kung anong mga pinaka-memorable, at pinaka-baduy, na ginawa nila or ginawa sa kanila in the name of love. At heto ang mga sagot nila:
LJ Reyes: "Hindi siya Valentine's -- surprise siya for me [ng ex-boyfriend ko]. Nag-break na kami, tapos galit na ako sa kanya noon. Tapos sinurprise niya ako, dinalhan niya ako ng malaking stuffed toy at flowers. Tapos NR [no response] ako! Nagalit! Sabi niya, bakit daw NR ako? Pagkabigay sa akin, NR ako, 'Thank you.' Tapos, nagsumbong sa mga common friends namin. Sumama 'yung loob e. So sabi ko, 'e bakit ba? E ayaw ko na e!'"
Hero Angeles: "Pinaka corny? Siguro high school, hindi naman sa corny pero isa siyang palpak na date, actually group date. [Sabi ng] mga classmates ko, 'Uy group date tayo, kain tayo sa labas!'. Kasama namin yung mga classmates namin na babae. Tapos kain-kain kami ang saya-saya tapos after nun bill out na, kulang pera namin! 'Yun 'yung pinaka pangit na nangyari dati. Tapos hindi namin alam kung papaano namin sasabihin sa kasama namin[g babae], hanggang nalaman na din nung isa. Tapos sila na nag-volunteer [magbayad din]. Hindi naman pangit sa kanila, at least nakatulong din sila. Ayun wala namang ilangan after that."
Chynna Ortaleza: "Actually wala pa kong nakakatawang Valentine kasi pagdating sa love life sobra talaga akong straight -- parang I’ve only had two boyfriends in my life and sila 'yung nag-occupy ng past Valentine’s Day celebrations ko. Siyempre most of it masaya kasi kasama ko sila and mahal ko 'yun siyempre. Usually mga dinner lang, ganyan; always romantic but nothing spectacular or anything kasi ako rin ‘yung type of girl na, ayoko naman ng sobra-sobra kasi feeling ko parang hindi naman totoo. (Chuckles.) 'Pag nagpakasal ba kayo ganoon [pa rin]?"
JC de Vera: "Hindi kasi ako very romantic person; very simple lang ako…Simple lang naman din 'yung gusto ko -- kahit simple dinner, simple gift, yun lang. Lahat naman 'yun madadala mo sa usapan…Kung okay naman 'yung conversation ninyo that day, parang buo na rin 'yung Valentine's ninyo, 'di ba? Hindi ko kailangan maging galante sa ganoon."
Vaness del Moral: "Wala! (Laughs). Hindi kasi ako nagde-date pag Vanlentine’s kahit nasa Baguio ako. Parang ang Valentine's hindi ko sini-spend with 'yung someone na special pero sa family. After Valentine's yun! Mayroon nanligaw sa akin [at sinama niya ako] sa event or something sa Baguio. Nagpunta ako tapos kumanta siya ng ‘Back at One’ [at] inabot niya yung rose sa akin. Ayaw umabot kasi hindi wireless yung mike [so] tumayo nalang ako tapos kinuha ko yung rose."
Tuesday Vargas: "Baduy? Yung ako 'yung gumawa o ako 'yung nakatanggap? Kasi mas marami 'yung ako ang gumawa. Heto, corny pero ginawa ko talaga siya [sa] ex ko! Tapos nagkahiwalay kami after two months ng Valentine's. Buwisit siya!
Nagpunta ng Puerto Galera 'yung buong family ko, tapos sabi ko may taping ako ng [Eat] Bulaga so kailangan ko umuwi. One night lang ako sa Puerto. 'Ako na bahala sa family mo,' sabi niya kasi magse-stay pa sila for one more day pero chorva ko lang ‘yun. Nag-drive ako mag-isa from Mindoro pabalik ng Manila, tapos pagbalik ko ng Manila, 'yung clubhouse ng village namin, tinawag ko 'yung UP Concert Chorus, tapos nagpa-cater ako. Lahat ng high school friends niya, basta hindi nagse-celebrate ng Valentine's, inimbita ko. Tapos pagdating niya ng village namin, [I blindfolded him]. 'Anong ginagawa mo sa akin?' Nagagalit na [siya]! Tapos dinala ko siya sa clubhouse [at] pagtanggal ko ng blindfold, kumanta 'yung Concert Chorus nung song namin, tapos [umiyak] siya. Pero siyempre lahat ng high school friends ko, pinatago ko, kasi baduy nga. Nakatago muna sila. Tapos paglabas nila, umiiyak 'yung dyowa kong six-footer, ang laki-laki.
Tapos after two months, nakabuntis siya ng ibang babae, ang saya 'di ba? So 'yung Concert Chorus, pag tinatawagan ko sila, 'Ma'am, malas po yata kami sa buhay niyo, ‘wag niyo na lang po kami i-hire ulit.' Na-hurt din ako doon, in fairness ha!"
And those were their stories -- ikaw? Meron ka bang mashe-share na memorable or baduy na Valentine's experience?
Gusto mo bang malaman ang Valentine's plans ng mga idol mo? Alamin through their fanatxt service!
Just key in anyone of these names on your mobile and send to 4627: LJ, CHYNNA, JC or VANESS. Ano pang hinihintay mo? Text na! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is exclusively for the Philippines only.)