GMA Logo Miriam Quiambao first marriage
Source: miriamq888/IG
What's on TV

Miriam Quiambao, inalala ang naramdamang pagtataksil sa nakaraang relasyon

By Kristian Eric Javier
Published November 29, 2024 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Miriam Quiambao first marriage


Hindi naging madali para kay Miriam Quiambao na tanggapin ang ginawang pagtataksil ng dating asawa.

Heartbreak at pagtataksil umano ang naramdaman ni dating Miss Universe Miriam Quiambao nang maghiwalay sila ng dating asawa, ang Italyanong si Claudio Rondinelli.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 29, ikinuwento ni Miriam kay King of Talk Boy Abunda ang mga panahon na kinikilala lamang niya ang sarili base sa pagiging artista at mga achievements na nakuha niya.

Ngunit pag-amin ng dating beauty queen, nakaramdam siya ng emptiness at naisip na baka kapag nagkaroon siya ng pamilya ay mawala ito.

“And so, as you probably heard in my past, I met this Italian, he pursued me, he proposed and of course, he was like my dream man. So I said yes and he swept me off my feet. We got married in Boracay, I left everything and moved to Hong Kong,” pagbabahagi ni Miriam.

Ngunit ayon sa dating beauty queen, “After two and a half years, I found myself heartbroken. He fell in love with a much younger Brazilian model.”

Tanong ni Boy sa kaniya, “Noong araw na na-realize mo that you were betrayed, ano 'yung unang reaksyon mo?”

Sagot ni Miriam, “Siyempre, galit, betrayal. Parang rejection. 'Teka, iniwan ko ang lahat para sa'yo tapos ipagpapalit mo 'ko sa mas bata? Ano'ng mabibigay niya sa'yo?'”

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG HIWALAYAN NG CELEBRITIES NA IKINAGULAT NG MARAMI SA GALLERY NA ITO:

Ngunit pag-amin ng actress-host, hindi na rin sila dumaan sa confrontation dahil noong tanungin niya ang dating asawa kung meron na itong ibang mahal ay umamin ito agad.

“Sabi ko, 'Sige, whatever makes you happy.' Also because during that time, 'yung relationship namin, hindi niya naiintindihan na I was in search of meaning. I was in search of fulfillment in life, meaning that I couldn't even see in our marriage,” sabi ni Miriam.

Pagpapatuloy pa ng dating beauty queen, “I felt like if I kept on, if I stayed within that marriage, I was gonna get sick and I was gonna die.”

Nilinaw naman ni Miriam na noong pinapauwi na siya ng dating asawa ay ginusto pa rin niyang ipaglaban ang karapatan niya bilang legal na asawa.

Pag-alala ni Miriam, “Sabi ko, 'Ayokong iwan ang relationship na ito kasi ako ang legal wife at gusto kong ipaglaban pero dahil sobrang sakit nito, kailangan ko ng support ng parents ko kaya ako umuwi, pero ayaw na niya akong pabalikin.”

Ngayon ay happily married na si Miriam kay Eduardo “Ardy” Roberto Jr. at kamakailan lang ay ipinagdiwang nila ang kanilang 10th wedding anniversary.