
Nagbigay ng update si Miriam Quiambao sa kanilang buhay pamilya simula nang sila ay lumipat sa Boracay ngayong 2022.
Last February ay ibinalita nina Miriam at Ardy Roberto na sa Boracay na sila titira. Kasama nila ang mga anak na sina Joshua, Elijah, and Ziki.
Sa kanilang latest vlog, in-update nila ang kanilang followers tungkol sa kanilang naging simpleng pamumuhay sa isla.
PHOTO SOURCE: YouTube: Miriam Quiambao & Ardy Roberto
Kuwento ni Miriam, "Most of the time nandoon lang tayo sa beach sa ilalim ng puno ng buko, kumakain ng taho, kumakain sa may sand habang 'yung mga anak natin e nagtatampisaw sa mga buhangin o hindi naman kaya umaakyat ng fishermen's boat."
Ayon pa kay Miriam, ramdam niya na less stress ang paninirahan nila sa Boracay.
"Overall, gusto ko talaga 'yung buhay isla kasi less stress, simple lang 'yung buhay. And most of all, bukod sa may time tayo with family, marami na kaming nakilala dito sa isla na nakaka-minister tayo. Nababahagi natin ang salita ng Panginoon. For me, it always makes me feel significant knowing that I am making an impact in the life of others."
Pagdating sa pagpapalaki ng mga anak ay masaya si Miriam sa naging buhay nila sa Boracay.
"'Yung surroundings dito sa isla makes it conducive to raise a family. We're blessed na nakahanap tayo ng magandang school for Joshua. 'Yung dalawang maliliit naman hino-home school ko, Montessori sa bahay, okay na ako dito."
Panoorin ang iba pang kuwento ni Miriam pati na rin ng kanyang asawa na si Ardy dito:
ALAMIN ANG MASAYANG MOM LIFE NI MIRIAM QUIAMBAO DITO: