GMA Logo mirriam manalo
Source: mirriammanalo (IG)
Celebrity Life

Mirriam Manalo adopts a son after losing her two daughters

By Jansen Ramos
Published August 22, 2022 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

mirriam manalo


Binigyan ang 'The Clash' graduate na si Mirriam Manalo ng pagkakataon na maging ina muli matapos mag-ampon ng isang baby boy na pinangalanan niyang Diondre.

Nakahanap ng panibagong pag-asa ang The Clash Season 1 alumna na si Mirriam Manalo matapos pumanaw ang dalawang anak niya sanhi ng mga komplikasyon dulot ng genetic disorder na spinal muscular atrophy.

Sa Instagram post niya noong June 21, ibinahagi ng mang-aawit na ay siya nag-ampon ng isang baby boy.

Sabi niya, "I lost two precious daughters, but then I gained a “son”.

"Yes, I adopted a son although I never expected it to be this hard, I have been so emotional ever since I brought my son home."

Bakas sa caption ni Mirriam na hindi pa rin nawawala ang sakit na nadarama niya matapos yumao ang dalawa niyang anak. October 2019 nang namatay ang panganay niyang si Layla Elleina at eight months, samantalang nito lamang Abril binawian ng buhay ang pangalawa niyang anak na si Lilah Emilia. Siya ay isang taong gulang.

Panaghoy ni Mirriam, "My heart aches every time I look at him, carrying him, taking good care of him, those sleepless nights that I am having.

"I couldn't even stop the tears coming out into my eyes every night, I miss my angels so so bad.

"Those questions are coming right back to me. I felt betrayed and unloved!

"I know I am not perfect but I am a good mother, I have sacrificed a lot, it's like I lost a big part of me, I lost myself!"

Sa pagdating ng kanyang adopted child na pinangalanan niyang Diondre, masaya si Mirriam na binigyan siya ng pagkakataong maging ina muli.

Patuloy niya, "But then it didn't matter to me anymore because I choose to be a mother, I choose my children more than anything else in this world.

"I know this child needs a family who will love him unconditionally and I am more than ready to give the life that he deserves, someday I can overcome all the pain that I am feeling, it is because I have my “Diondre” who needs a mother and that I will be to him."

Sa dulo ng kanyang post, nagbigay ng mensahe ni Mirriam sa kanyang bagong anak.

"My heart is in pain, but there is a space for you my dear son. I am your mommy forever!"

Isang post na ibinahagi ni Miriam Ame Morgan Manalo (@mirriammanalo)

Maituturing na new chapter ito para kay Mirriam dahil engaged na rin siya sa kanyang partner at ama ng mga yumao niyang anak na si Kalid Maher Al-Raee.

Isang post na ibinahagi ni Miriam Ame Morgan Manalo (@mirriammanalo)

Isang post na ibinahagi ni Miriam Ame Morgan Manalo (@mirriammanalo)

Nakilala si Mirriam nang sumali siya sa unang season ng GMA musical competition na The Clash, kung saan isa siya sa limang finalists.