What's on TV

Mirriam Manalo, nahihiya noong unang taping ng 'Studio 7'

By Gia Allana Soriano
Published October 17, 2018 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Clasher Mirriam Manalo na kinabahan siya nong una niyang makasama ang big stars ng GMA-7 para sa first taping ng 'Studio 7.'

Ikinuwento ni Mirriam Manalo ang kanyang karanasan sa unang taping niya para sa Studio 7.

Aminado si Mirriam na kinabahan siya. "Sa akin po medyo kinabahan po ako, kasi syempre nahihiya po kami. Di po namin alam kung paano sila i-a-approach. Kasi di po kami sanay na makasama po 'yung big stars talaga, so 'yun po 'yung feeling.

"Pero nung nandun po kami, they are very welcoming. Hindi po nila pina-feel sa amin na iba kami. Nagpapasalamat po kami na ready po sila tanggapin kami."

A post shared by Miriam Ame Morgan Manalo (@mirriammanalo) on

Masaya rin si Mirriam now na Kapuso na rin siya, finally.

Sabi niya, "Sobrang happy syempre, kasi ang tagal-tagal na naming lahat hinintay ito. And they gave us the opportunity para maipakita pa namin 'yung natatago naming talento. Like for example, marami sa amin 'yung nakaka-dance rin, nakaka-act. So parang we will showcase everything here. Hindi lang siya sa pagkanta, marami pa pong aabangan 'yung mga audience po ng GMA-7, for sure talagang mag-e-enjoy po sila [ang mga viewers]."