
Nasaksihan noong Sabado sa "Laklak" episode ng Wish Ko Lang ang kaawa-awang sinapit ni Jay Mark (Kiko Matos) matapos na kumasa sa "Laklak" challenge ng kanyang mga kainuman at bawian ng buhay.
Dahil sa papremyong nagkakahalaga ng PhP20,000 na para sana sa hospital bills ng kanyang ama, sumali si Jay Mark sa inuman challenge ng kanyang mga kaibigan kung saan paunahang makaubos ng isang 'long neck' na alak.
Naubos ni Jay Mark ang alak at agad din namang ibinigay ng kaibigan ang pera niyang napanalunan. Nang subukang tumayo ay rito na hinimatay si Jay Mark at tuluyang binawian ng buhay sa ospital.
At para matulungan ang pamilyang naiwan ni Jay Mark, agad na naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Binigyang katuparan ng programa ang hiling ng misis ni Jay Mark na si Rosevida (Aleck Bovick) na maipaayos ang tumutulo nilang bubong.
Sinagot na rin ng programa ang pag-aaral ng anak ni Rosevida sa tulong ng isang scholarship.
Kasama naman sa negosyo packages ang coffee kart negosyo package, yema spread negosyo supplies, burger negosyo package, fashion and beauty products negosyo packages, at RTW negosyo package.
Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para sa pamilya ni Rosevida.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI ALECK BOVICK SA GALLERY NA ITO: