
Nasaksihan noong Sabado, March 19, ang pagtitiis ni Neliza (Kris Bernal) sa paulit-ulit na pambabae ng asawang si Kevin (Arnold Reyes) sa "Pagtitiis" episode ng Wish Ko Lang.
Dahil sa galit, umabot si Neliza sa puntong nais na niyang lasunin ang mister. Pero sa kabila ng mga panloloko, nagawa pa ring patawarin ni Neliza ang asawa para sa kanilang mga anak.
Sa ngayon, maayos nang namumuhay sina Neliza at Kevin kasama ang kanilang mga anak.
At para sa tuloy-tuloy na magandang buhay, nagpadala ng tulong ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales sa mag-asawa.
Kasama sa negosyo packages ang coffee food bike business, electric heater, at sandwich maker. Mayroon ding yema spread business, gourmet tuyo business, fish sauce business, beauty business, at clothing business.
Handog din ng programa ang marriage counseling sessions para sa mas maayos na pagsasama nina Neliza at Kevin.
Hindi rin mawawala ang tulong pinansyal ng Wish Ko Lang para sa bagong simula ng kanilang pamilya.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: