
Simula na talaga ng kompetisyon para sa representative ng bansa sa Miss Eco International na si Gabbi Carballo, ngayong nakarating na siya sa host country na Egypt.
Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Gabbi ng ilang mga litrato sa Helnan Antoniades Palace Hotel sa Alexandria, Egypt, kung saan gaganapin ang Miss Eco International pageant. Nag-iwan ng mga messages of support at encouraging na mga emojis sa comment section ang kanyang mga fans at social media followers.
Lumipad papuntang Egypt si Gabbi nitong nakaraang Martes, May 12, at ginanap ang kanyang send-off sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Bago siya umalis, nanawagan ang The Miss Philippines organization sa mga Filipino pageant fans na iboto siya, at nagbigay rin ng step-by-step instructions kung paano gawin ito.
Sinabi rin ng organisasyon na ang online voting, na magtatagal hanggang May 23, ay makakatulong ipasok si Gabbi sa top 10 upang maipakita niya ang “strength, beauty, and heart of the Filipina.”
Bago ang pageant, naging busy si Gabbi sa pagtulong sa mga biktia ng Typhoon Tino. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, inilunsad niya ang “Flood to Flourish: A Balamban Relief Initiative.” Lumikom ito ng mga cash donations para sa mga biktima ng Typhoon Tino sa Balamban, Cebu, at ginamit para sa relief goods na binili at binalot ng Rotaract Club of Cebu's Third District.
RELATED GALLERY: Justice for Cebu: Celebrities share frustration, call for aid, offer prayers amid Cebu flooding
Sinisikap ni Gabbi na mag-uwi ng back-to-back win para sa bansa sa Miss Eco International pageant. Katulad ni Gabbi, ang kasalukuyang Miss Eco International na si Alexie Brooks ay babad din sa advocacy work.
Noong Oktubre nitong nakaraang taon, nag-upload si Alexie ng Reel kung saan nag-model siya para sa Bangsa Sug Fashion Show na ginawa sa Jolo, Sulu. Suot ni Alexie ang isang sustainable outfit na gawa ng designer na si Maverick Francisco Oyao. Ang outfit ay nagiging bag, jacket, at isang reversible outfit. Maliban sa pagiging sustainable at functional, meron “Pis Syabit stripes, radiant tropical hues, and motifs of abundance” din ang outfit.
RELATED GALLERY: A closer look at Alexie Brooks's stunning Miss Eco International gowns
Nitong Hulyo ng nakaraang taon, naging parte naman ng mangrove planting (https://www.gmanetwork.com/lifestyle/news/124078/miss-eco-international-alexie-brooks-takes-part-in-mangrove-planting-project/story) at coastal clean-up event sa Katunggan Eco Park sa Iloilo si Alexie.
Sa caption ng kanyang Instagram post, inilarawan ni Alexie ang eco park bilang isang matagumpay na mangrove reversion project na sakop ng tatlong magkakaibang United Nations Sustainable Development Goals -- SDG 13 (Climate Action), SDG 14 (Life Below Water), at SDG 15 (Life on Land). Inilarawan din ito ni Alexie bilang isang “local initiative with a global impact.”
Ang 2026 Miss Eco International pageant ay gaganapin sa Helnan Antoniades Palace Hotel sa Alexandria, Egypt. Sa caption ng kanilang Instagram post, sinabi ng Miss Eco International organization na ang 2026 pageant ay merong tema na “Show Your Country's Power” at ipagdiriwang ang “national pride, culture, and eco-solutions while inspiring global unity.”