
Isa namang nakatutuwang pageant na maghahatid saya sa mga manonood ang hindi dapat palampasin sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 6).
Abangan ang tandem nina Boobay at special co-host na si Buboy Villar mamayang gabi dahil kokoronahan nila ang “Miss Genggeng 2024.”
Ang candidates na maglalaban-laban para sa titulong “Miss Genggeng 2024” ay ang mga online seller na sina Imy Sebastian, ang Miss Genggeng-Marikina, Bea Fajardo, ang Miss Genggeng-Novaliches, at Czarina Laureno, ang Miss Genggeng-Quezon City.
Ipakikita ng tatlong candidates ang kanilang energy at personalities sa interview portion. Ipamamalas din nila ang kanilang acting skills sa isang improv acting segment kasama ang stand-up comedian na si Ian Red.
Sino kaya ang tatanghalin na first-ever Miss Genggeng?
Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:10 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.