
Sa pagbabalik bansa ni Miss International 2018 1st runnerup Ahtisa Manalo, umaasa siyang sunud-sunod na ang magiging panalo ng Pilipinas sa international beauty pageants.
Sunod na lalaban si Katarina Rodriguez sa Miss World 2018 sa Sanya, China sa Disyembre. Para kay Ahtisa, malaki ang tsansa ni Katarina na masungkit ang korona.
“Katarina, I know you'll make us proud. You're very beautiful and you're a very strong woman. We hope for the next Miss World crown.”
Lalaban sa Miss Universe 2018 naman si Catriona Gray sa Bangkok, Thailand sa susunod na buwan.
Panoorin ang buong report ng Unang Balita: