
Kasalukuyang nasa intensive care unit si Miss Jamaica Dr. Gabrielle "Gabby" Henry matapos maaksidente sa preliminary competition ng Miss Universe 2025 pageant na itinanghal sa Thailand.
Matatandaang nahulog mula sa stage si Miss Jamaica habang rumarampa sa evening gown competition.
Agad naman siyang inasikaso ng medics at isunugod sa Paolo Rangsit Hospital.
Sa unang pahayag ng Miss Universe Jamaica Organization, ibinahagi nilang walang natamong life-threatening injuries ang kanilang kandidata.
Humingi rin sila ng mga dasal para mabilis na recovery ni Miss Jamaica.
Nitong November 22, naglabas ng bagong medical bulletin ang organisasyon para magbigay ng update tungkol sa kalagayan ng beauty queen.
"Gabby isn't doing as well as we would have hoped, but the hospital continues to treat her accordingly," lahad ni Dr. Phylicia Henry-Samuels, kapatid ni Gabby.
Kinailangan din daw manatili ni Miss Jamaica sa intensive care unit (ICU) ng pitong araw.
Muling humingi ng dasal ang Miss Universe Jamaica Organization para kay Gabby.
Photo: officialmissuniversejamaica (Instagram)
Si Miss Mexico Fatima Bosch ang kinoronahang Miss Universe 2025.
Ang pambato naman ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo ay nagtapos bilang 3rd runner up ng prestihiyosong beauty pageant.
BALIKAN ANG KANYANG MISS UNIVERSE 2025 PERFORMANCE DITO: