
Sinimulan na ng Miss Philippines Earth 2020 ang pre-pageant competition sa pamamagitan ng virtual presentation.
Dahil mayroon pa ring community quarantine sa buong bansa, sa kani-kanilang bahay rumampa ang mga kandidata habang nakasuot ng kani-kanilang long gown, beachwear, at sportswear.
Pero ayon kay Lorraine Schuck, founder at organizer ng Miss Philippines Earth, malaking hamon sa kanila ang magiging 'new normal' sa mga beauty pageant.
“Mahirap gawin but, siyempre, lahat naman nag-cooperate, especially 'yung mga girls, so napapadali ang buhay namin,” saad ni Lorraine.
“Tapos ine-enhance na lang namin through editing, thanks to technology.”
Para sa ibang kandidata ng Miss Philippines Earth 2020, hindi mapipigilan ng COVID-19 pandemic ang kanilang pangarap na maging beauty queen at irepresenta ang Pilipinas sa international pageants.
Saad ni Roxanne Allison Baeyens, “No matter how challenging it is since first-time nga na gagawin ito, if you want something, if you dream of something, you would do whatever it is in your power to make it come true.”
“So I really do appreciate Miss Philippines Earth for finding a way to still push through.”
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
Mapapanood sa GMA ang coronation night ng Miss Philippines Earth sa Linggo, July 5.