
Kaabang-abang ang upcoming episode ng The Boobay and Tekla Show dahil magaganap ang grand finale ng “Miss Sizzling Beauty 2025 (Gandang Palaban)."
Ngayong Linggo, rarampa at magpapatalbugan ang tatlong stunning at fearless finalists na sina Aly Alday ng Quezon City, Danielle de Guzman ng Laguna, at Kimberly Flores ng Ilocos Norte.
Ipamamalas ng finalists ang kanilang mga talento na may twist na siguradong maghahatid ng saya sa mga manonood.
Bukod dito, haharapin din nila ang mga tanong sa Q&A round, kung saan ang magde-deliver ng mga tanong ay mga naggaguwapuhang Kapuso actor.
Sino kaya ang kokoronahang ultimate Gandang Palaban?
Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at 11:05 p.m. naman sa GTV.