
Humanda na sa isang mainit na Sunday night dahil inihahandog ng The Boobay and Tekla Show ang ultimate search para sa pinakamaganda at talented ladies, ang “Miss Sizzling Beauty 2025.”
Ang tatlong contestants na magpakikita ang kanilang charm at personality ay sina Aly Alday, isang model mula sa New Manila Quezon City, Annie Rose Macabinquil mula Malate, at Ma. Eiayel Ann Malveda, na mula Muntinlupa City.
Ang naturang kompetisyon ay binubuo ng tatlong rounds: casual interview, improv acting, at final Q and A.
Sino kaya sa tatlong contestants ang magwawagi? O maagaw kaya nina Boobay at Tekla ang spotlight?
Huwag palampasin ang special episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 20), 10:05 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa GTV sa oras na 11:05 p.m.