GMA Logo Angela Posemalto, Angela Janine Torres, Lianne Abalos
PHOTO COURTESY: GMA Network (YouTube)
What's on TV

'Miss Sizzling Summer 2025,' abangan sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published March 28, 2025 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Angela Posemalto, Angela Janine Torres, Lianne Abalos


Sino kaya ang kokoronahan na 'Miss Sizzling Summer 2025'? Abangan lamang 'yan sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo.

Tiyak na mag-iinit ang Sunday night n'yo dahil sasalubungin natin ang summer season sa pamamagitan ng isang kompetisyon ng mga sexiest bikini bod.

Abangan ang “Miss Sizzling Summer 2025” sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (March 30).

Ang tatlong beach babes na maglalaban sa naturang kompetisyon ay ang Fil-Portuguese model na si Angela Posemalto ng Makati City, marketing manager na si Angela Janine Torres ng Las Pinas City, at ang Batanguena beauty na si Lianne Abalos.

Maglalaban ang tatlong nagagandahang contestants sa tatlong rounds: personality showcase, improv acting challenge, at ang nakatutuwa ngunit challenging na question and answer round.

Bukod dito, ipe-perform din nila ang “More Tawa, More Saya” dance prod.

Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, TINGNAN ANG SEXIEST LOOKS NG ILANG MORENA CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO.