GMA Logo Miss Supranational Katrina Llegado
Photo source: @misssupranational
What's Hot

Miss Supranational Katrina Llegado, humarap sa press sa Thailand

By Ron Lim
Published October 27, 2026 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Herlene Budol at Kevin Dasom, binalikan ang simula ng kanilang love story
The Miss Globe PH Sasha Lacuna is now officially sashed
Ruffa Gutierrez warns 'Red Crown' viewers: 'Mapapasigaw kayo'

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Supranational Katrina Llegado


Pumunta ng Thailand si Miss Supranatinal Katrina Llegado para maging parte ng Miss Supranational Thailand press conference.

Nasa isa pang Southeast Asian country si Katrina Llegado habang pinagpapatuloy niya ang kanyang reign bilang 2026 Miss Supranational.

Nag-upload ang Miss Suprnational organization sa kanilang official Instagram account ng mga pictures ni Katrina suot ang traditional Thai clothes habang nasa Miss Supranational Thailand press conference. Sa caption, pinasalamatan ng organization ang kanilang “new Thai family” para sa “incredible hospitality and love.”

A post shared by Miss Supranational (@misssupranational)

Ang pagbisita ni Katrina sa Thailand ay nangyari pagkatapos niyang mag-attend sa launch ng Elie Saab x H&M collection sa Malaysia. Maliban kay Katrina, ang ilan pang nasa event ay ang kanyang mga kapwang beauty queen na sila Michelle Dee at Kylie Versoza, pati na rin ang actress na si Bela Padilla at ang fashion designer at content creator na si Camille Co.

Maliban sa Malaysia at Thailand, naging bahagi rin ng ilang events dito sa bansa si Katrina bilang Miss Supranational, tulad na lang ng Bench Fashion Week Holiday 2026, kung saan naging parte siya ng Urban Revivo show. Sa caption ng kanyang Instagram Reel, sinabi ni Katrina na surreal para sa kanya na bumalik sa runway bilang Miss Supranational.

Puno rin ng events ang homecoming ni Katrina dito sa bansa, kung saan naging parte siya ng dalawang victory parades nitong nakaraang buwan pagkatapos ma-cancel ang naunang dalawang parade dahil sa sama ng panahon na tumama sa bansa noong September.

RELATED GALLERY: Miss Supranational Katrina Llegado felt the love during her victory
parade

Sa kanyang unang linggo sa bansa, hinarap ni Katrina ang press at mga morning shows, at bumisita rin sa isang advocacy group na kanyang sinusuportahan.

Sa kanyang pangalawang linggo sa bansa, pinarangalan siya sa House of Representatives, nag-repack ng relief goods, at binisita ang Taguig City Hall.